Paninira vs China, may kumukumpas—Chinese Embassy

Paninira vs China, may kumukumpas—Chinese Embassy

NANINIWALA ang Chinese Embassy sa Manila na may kumukumpas para siraan ang ugnayan ng China at Pilipinas.

Sa pahayag ng embassy, may nagpapalaganap ng kung anu-anong mga impormasyon na siyang sanhi para lumaki at tumindi ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa, halimbawa na lang sa West Philippine Sea (WPS).

May ulat pa ayon sa Chinese Embassy na kumukuha sila ng Pinoy military personnel na magsisilbing consultant at spy.

Noong Abril 8, ipinag-utos ng Department of National Defense (DND) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na imbestigahan ang umano’y online recruitment ng Pinoy military personnel bilang part-time military consultants.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter