Paninirang puri o pang-iinsulto sa isang PWD sa isang viral post, maaaring kasuhan – Atty. Panelo

Paninirang puri o pang-iinsulto sa isang PWD sa isang viral post, maaaring kasuhan – Atty. Panelo

IPINAKITA ang isang screenshot na galing sa viral post ni Charles Pineda na makikita kung paano insultuhin ng ilang tao si JP Pabalan, isang person with disability (PWD) dahil sa kanyang sinusuportahang kandidato.

Ayon kay senatorial candidate Atty. Salvador “Sal” Panelo, kahit sinomang kandidato ang sinusuportahan niyo, bigyan ng respeto ang isa’t isa, lalong lalo na ang mga PWD.

Ang pagtrato sa mga PWD ang sumasalamin sa tunay nating pagkatao dahil sa marami silang pasanin na hindi dala ng karamihan sa atin kaya dapat iangat natin sila, at hindi kinukutya.

Ani Panelo para sa kaalaman ng lahat, ang paninirang puri o pang-iinsulto sa isang PWD o may kapansanan ay isang krimen sa ilalim ng Republic Act no. 7277 o “Magna Carta for Persons with Disabilities.

Ang kaparusahan para sa first offense ay pagkakulong ng 6 months to 2 years, o multa ng P50,000 to P100,000, o parehong pagkakulong at multa.

Samantala dahil ginawa ang paninirang puri sa social media, maaari ring mapanagot ang mga nagkasala ng cyber libel sa ilalim ng Republic Act No. 10175 o “Cybercrime Prevention Act.” may kaparusahan ito na pagkakulong ng 2 years, 4 months and 1 day to 8 years, o multa na P40,000 to P1.2 million, o parehong pagkakulong at multa.

Dagdag pa ni Panelo may karapatan si JP na kasuhan sila pero pinili niyang patawarin sila.

Follow SMNI NEWS in Twitter