Pantapat sa nagpapalaganap ng fake news, mas pinalakas na pagpapakalat ng totoong balita –political analyst

Pantapat sa nagpapalaganap ng fake news, mas pinalakas na pagpapakalat ng totoong balita –political analyst

HINDI suportado ng isang political analyst ang pagbuo ng batas para maparusahan ang mga nagpapakalat ng fake news.

Ayon kay Political Analyst Dr. Antonio Contreras sa panayam ng SMNI News, iisipin ng marami na binubusalan sila at labag na ito sa batas ng Pilipinas hinggil sa free speech.

Ang dapat gawin aniya, mas lalo pang pagtibayin at palakasin ng pamahalaan na madalas biktima ng fake news kung ano man ang totoong balita at impormasyon.

Matatandaang ipinapanukala ni Sen. Jinggoy Estrada sa pamamagitan ng kanyang Senate Bill No. 1296 na parusahan ang mga nagpapalaganap ng fake news.

Sa panukala ay pinaaamyendahan ang Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 para maisama ang “fake news” bilang cybercrime offenses.

Follow SMNI NEWS in Twitter