Panukala na ibigay sa DILG ang kapangyarihang magsuspinde ng klase tuwing bagyo, pag-aaralan—PCO

Panukala na ibigay sa DILG ang kapangyarihang magsuspinde ng klase tuwing bagyo, pag-aaralan—PCO

PAG-aaralan pa umano ang mungkahi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na ibigay sa DILG ang kapangyarihang magdeklara ng class suspensions tuwing may bagyo.

Nauna nang sinabi ng kalihim na mas magiging mabilis at organisado ang koordinasyon kung centralized o manggagaling mismo sa DILG ang deklarasyon ng suspensyon ng klase—lalo na sa mga emergency weather situations.

Pero ayon sa Presidential Communications Office (PCO), wala pa umanong opisyal na tugon ang Pangulo hinggil sa mungkahing ito.

Dagdag pa ng PCO, mananatili pa rin sa ngayon ang kasalukuyang sistema, kung saan ang mga lokal na pamahalaan ang may kapangyarihang magsuspinde ng klase batay sa kanilang assessment ng sitwasyon sa kani-kanilang nasasakupan.

Samantala, hinikayat naman ng Palasyo ang mas aktibong partisipasyon ng publiko at media sa paghatid ng impormasyon, upang makatulong sa mas maagap na pagbibigay ng abiso sa mga paaralan at magulang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble