APRUBADO na sa ikatlo’t huling pagbasa ang House Bill No. 8466 na layong ipreserba ang mga katutubong laro.
Tulad ng mga larong piko, sipa, holen, bunong braso, ginnuyudan, hilahang lubid, kadang-kadang, karera sa sako, luksong-tinik, patintero, syato at unggoy-unggoyan.
Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang Philippine Olympic Committee, National Commission on Indigenous Peoples at mga lokal na pamahalaan na magdaos ng taunang indigenous sports competitions sa regional at buong bansa.
Kokonsultahin naman ang indigenous cultural communities at indigenous peoples, sa palarong mapipili ng host-LGU sa isasagawang regional at national indigenous sports competitions.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, mahalaga na hindi makalimutan ang tradisyunal na laro na bahagi ng kultura nating mga Pilipino.
“The indigenous games and sports of our country are a part of our identity as Filipinos and as a nation,” saad ng House Speaker.
Inaatasan din ang NCIP, National Commission for Culture and the Arts, DepEd, CHED at Philippine Information Agency para maglatag ng mga hakbang kung paano mapreserba ang indigenous games.
Oras na maisabatas ang HB 8466, mapapasama na rin ang indigenous games sa Palarong Pambansa at iba pang national sporting events.