Panukala para protektahan ang Sierra Madre, muling isinusulong sa Kamara

Panukala para protektahan ang Sierra Madre, muling isinusulong sa Kamara

MULING binuhay ni Isabela Rep. Faustino Dy IV ang dalawang magkaparehong panukala hinggil sa pangangalaga ng Sierra Madre.

Sa kanyang House Bill No. 1214 at 1972 Rizal Rep. Juan Fidel Nograles, isinusulong nito ang pagbuo ng Sierra Madre Conservation and Development Authority.

Ito ang maatasan para pangalagaan ang Sierra Madre mula sa deforestation.

Ito na rin ang maatasan para magkolekta ng regulatory fees para sa anumang aktibidad na gagawin sa mountain range.

Matatandaang ang Sierra Madre ang mountain range na pomuprotekta sa bansa mula sa malakas na epekto ng mga bagyo kung kaya’t dapat hindi ito masira at mapangalagaan ayon kay Dy.

 

Follow SMNI News on Twitter