Panukala para sa mandatory ROTC training, pinasasaprayoridad ni VP-elect Sara Duterte sa susunod na Kongreso

Panukala para sa mandatory ROTC training, pinasasaprayoridad ni VP-elect Sara Duterte sa susunod na Kongreso

NAIS ni VP-elect at outgoing Davao City Mayor Sara Duterte na mapasama sa priority legislation ng susunod na Kongreso ang Mandatory ROTC Bill.

Ayon kay VP Sara, marami namang pending na panukalang batas sa dalawang kapulungan para sa revival ng ROTC kaya nais niya itong maisaprayoridad.

Diin ng mayora, ang Pangulo at ang Kongreso ang maglalatag ng legislative agenda kaya sana ay mapasama ang panukala.

Ginawa naman ng mayora ang pahayag sa isang press conference dito sa Davao City Hall ngayong araw.

Follow SMNI NEWS in Twitter