INIHAIN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang panukalang batas na naglalayong papanagutin ang mga opisyal ng pamahalaan na nagpapabaya sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Nais ng House Bill 9230 o ang “Public Health Emergency Anti-Negligent and Corrupt Practices Act” na pananagutin ang anumang “acts of negligence, inaction and irresponsibility” ng mga taga gobyerno tuwing may public health emergency tulad ng COVID-19.
Kasama sa mga pananagutin ng panukala ang sumusunod:
Kapabayaan sa pagtugon sa tuwing may public health emergency
Kapabayaan o kabiguan sa pagtugon sa demand o request sa gobyerno nang walang sapat na dahilan at kawalan ng agarang tugon sa anumang public health threat.
Kapabayaan sa pag-secure ng kinakailangang gamot, bakuna at iba pang health supplies.
Pagkaantala o dahilan ng pagkaantala sa pagpapalabas ng pondo sa gobyerno para tugunan ang public health emergency.
Kabiguan sa pagsusumite ng mga datos at report sa itinakdang panahon; sakop dito ang disbursements na ginawa ng isang ahensya o lokal na pamahalaan.
Tampering o hindi pagsasapubliko ng kumpletong epidemiological data nakasisira sa pamahalaan habang may national health emergency.
Matinding paglabag sa standard health procotols na itinakda ng pamahalaan.
At pagpasok sa anumang transaksyon kung saan lugi ang gobyerno.
Ayon kay Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva, hindi lamang dapat ang mga kurap na opisyal ang dapat parusahan.
Dapat daw na masampolan din ang mga taga-gobyerno na iresponsable, walang gawa at walang matinong pananaw sa pagtugon sa pandemya.
“We should not only penalize acts of corruption, bribery or plunder; we must also deplore and punish inaction and acts that are manifest and imbued with intolerable negligence, irresponsibility, inefficiency and lack of vision especially during times of crisis such as this COVID-19 pandemic,” pahayag ni Villanueva.
Giit ng mambabatas na hindi dapat corrupt o pabaya ang isang opisyal ng gobyerno.
Dahil kung hindi ang taumbayan ang magtitiis sa “undeserving disservice” ng mga pabaya.
“Public officers and employees should neither be corrupt nor negligent. Or else, the public will suffer a great deal of undeserving disservice,” dagdag ni Villanueva.
Para naman kay Deputy Speaker Benny Abante, dapat maagap sa pagtugon ang mga taga-gobyerno sa panahon krisis.
Dahil kung hindi, mga Pilipino ang magdurusa at masayang lamang ang pondo ng taumbayan.
“In such times of war against any novel disease or public health threat, acting with swiftness and efficiency and having a clear policy direction are the names of the game by which the government must adhere to. Or else, many lives will suffer and public funds will just be devoured by rent-seeking and scrupulous individuals at the back of the people who are desperately grappling for survival and waiting for the government’s speedy intervention,” pahayag ni Abante.
(BASAHIN: Pang. Duterte, nakakuha ng pinakamataas na approval rating sa gitna ng COVID-19 pandemic)