Panukala para sa National Hijab Day, lusot na sa Kamara

Panukala para sa National Hijab Day, lusot na sa Kamara

APRUBADO na sa pinal na pagbasa sa Kamara ang panukalang batas para sa mga kapatid nating Muslim.

Sa botong 274 pabor at walang tumutol ay lusot na sa Mababang Kapulungan ang House Bill 5693 para ideklara ang kada Pebrero 1 bawat taon bilang National Hijab Day.

Hijab ang tawag sa belo o panakip sa mukha ng mga babaeng Muslim na mahalaga sa kanilang kultura.

Nais naman ng panukala na maiwasto ang maling paningin ng mga Muslim o non-Muslim sa pagsusuot ng hijab at mawala ang diskriminasyon sa mga nagsusuot nito na madugtong sa terorismo.

Inaatasan naman ng panukala ang National Commission on Muslim Filipinos para ipatupad ang mga panuntunan ng panukala oras na ito’y maisabatas.

Follow SMNI NEWS in Twitter