NAI-turnover na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa House of Representatives nitong Lunes ang National Expenditure Program (NEP) o panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Umaabot sa P6.352- ang proposed budget, na katumbas ng 22% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.
Sinasalamin nito ang 10.1% pagtaas mula sa P5.768-T budget noong 2024.
Education ang pangunahing prayoridad na may alokasyon na ₱977.6-B, na gagamitin para sa pagpapahusay ng kalidad at accessibility ng edukasyon para sa lahat ng mga Pilipino.
Ang Public Works ay makatatanggap ng malaking alokasyon na ₱900-B.
Pumalo naman sa ₱297.6-B ang inilaan para sa Health upang maipagpatuloy ang pagpapatupad ng Universal Health Care Act at tiyakin ang accessible at abot-kayang healthcare services. ₱278.4-B naman ang alokasyon sa Interior and Local Government.
Nasa ₱256.1-B ang itinalaga para sa Defense sector upang itaguyod ang national security, gawing moderno ang defense capabilities, at tiyakin ang kaligtasan at sovereignty ng bansa.
Ang Social Welfare ay pinaglaanan ng ₱230.1-B.
Makatatanggap naman ang Agriculture ng ₱211.3-B.
May pagtaas naman sa alokasyon sa Transportation na ₱180.9-B para sa pagpapaunlad at modernisasyon umano ng imprastraktura ng bansa.
Ang Judiciary ay nilaanan ng ₱63.6-B at panghuli, ang Department of Justice (DOJ) ay tatanggap ng ₱40.6-B.