INAASAHAN ng Marcos administration na malagdaan na ang 2025 proposed national budget bago mag-Pasko.
Ang bicameral committee para dito ay gagawin na sa Disyembre 11 sa Maynila Ballroom, Manila Hotel.
Sa isasagawang bicam sa Miyerkules, walong miyembro ng Senado at 16 na members ng Kamara ang magsasapinal ng panukalang budget.
Ang ipinapanukalang budget para sa susunod na taon ay P6.352T.