Panukalang batas hinggil sa pagsaayos ng agricultural profession, lusot sa Senado

Panukalang batas hinggil sa pagsaayos ng agricultural profession, lusot sa Senado

PUMASA sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na iniakda mismo ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. hinggil sa pagsasaayos ng agricultural profession sa pamamagitan nang pagbuo ng Professional Regulatory Board (PRB) for agriculturists. Sa kasalukuyan, wala pang batas na nagbubuo ng professional regulatory board for agriculturists para i-regulate ang naturang propesyon.

Sa ilalim ng SB 2906, ang Professional Regulatory Board of Agriculture ay bubuuin ng chairperson at 5 miyembro—na bawat isa ay may kakayahan hinggil sa anim na espelesasyon sa larangan sa agrikultura. Tulad ng ibang PRBs, ang Board ay may kapangyarihang magpahayag, mamahala at magpatupad ng mga panuntunan para sa mga registered agriculturists at mapangasiwaan ang licensure, registration, at pagsasanay ng naturang propesyon.

“Sobra po akong nagagalak sa pagkakapasa nitong SB 2906 sa Senado. As principal author of this measure, I cherish this accomplishment. Alam naman natin kung gaano kalaking tulong sa ating mga magsasaka ang mga agriculturist, kaya tama lang na suportahan natin sila sa pamamagitan ng pagpasa ng isang professional regulatory law,” pahayag ni Sen. Bong Revilla.

Ang naturang batas ay nagtakda rin ng minimum base pay ng isang registered agriculturist na nagtarabaho sa national government na may salary grade 13 na katumbas ng P34,421. Samantala, ang lokal na pamahalaan ay hinihimok na i-upgrade ang suweldo ng kanilang personnel. Sa pribadong sektor naman, ang agricultural corporations ay inoobligang mag-empleyo o kunin ang serbisyo ng mga registered agriculturists.

“This is really a development. Through this law, mas madi-dignify pa ang ating mga registered agriculturists. And they will be treated at par with other professions,” dagdag pa ni Revilla.

Ang pagkakapasa ng SB 2906 ay isang malaking hakbangin sa pagsisikap ng pamahalaan na bigyan ng kapangyarihan ang agriculture professionals, isulong ang agricultural competitiveness ng bansa at masiguro ang food security sa bansa.

Ang naturang panukala ay nasa House of Representatives na para sa kanilang pagtugon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter