Panukalang batas na magbibigay ng maayos na benepisyo sa mga empleyado ng barangay, isinusulong

Panukalang batas na magbibigay ng maayos na benepisyo sa mga empleyado ng barangay, isinusulong

INIHAIN ni Senator Raffy Tulfo ang Senate Bill 1696 o ang magna carta para sa mga barangay officials, personnel at volunteer workers, upang matiyak na maayos na nababayaran at nabibigyan ng benepisyo ang mga empleyado ng barangay.

Ayon kay Tulfo, ilan na sa mga tanod ang napabalitang nasaktan, nadisgrasya at nagbuwis ng buhay sa tawag ng tungkulin.

Ilan na rin sa mga barangay health worker ang nagbuwis din ng buhay noong panahon ng pandemya dahil sa pagganap nila sa kanilang tungkulin.

Dagdag pa ni Sen. Tulfo, ang panukalang batas ay naglalayon din na magbigay ng preferential treatment para sa mga barangay officer sa pagkakaloob ng civil service eligibility at sa mga appointment ng gobyerno. benepisyo 

Matatandaang naghain ng katulad na panukalang batas noong 2019 si Sen. Bong Go upang bigyang-daan ang mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan na hindi lamang makatanggap ng honoraria.

Follow SMNI NEWS in Twitter