Panukalang batas na magbibigay ng special authority kay Pangulong Duterte, aprubado na sa Senado

LUSOT na rin sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang urgent bill na nagbibigay ng authorization kay Pangulong Rodrigo Duterte para gampanan ang epektibong paglaban sa pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa botong 12-0 ay naipasa ang Senate bill 1418 o “bayanihan to heal as one act, kung saan 7 senador ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa panukulang batas sa pamamagitan ng phonepatch.

Tanging si Senator Risa Hontiveros ang nagpahayag ng pag-kontra sa nasabing panukalang batas.

Ang nasabing urgent bill ay ipinanukala ni Senate President Vicente Sotto III at Senator Pia Cayetano na nagbibigay ng otorisasyon sa pangulo na mag-realign ng available government budget habang nahaharap ang bansa sa health emergency.

Nauna nang inaprubahan ng House of Representatives ang kanilang bersyon ng panukalang batas.

Inabot ng gabi kagabi ang paghimay ng Senado sa mga panukalang nagsusulong ng mga hakbang para matugunan ng pamahalaan ang malaking problema na dulot ng pagkalat ng COVID-19.

Ito ay kahit nasimulan ng maaga ay sinuspinde naman agad ito dahil sa isyu ng quorum dahil 12 lang ang dumating na senador.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.