Panukalang batas para mapalawak ang loan program ng gobyerno, lusot na sa komite sa Kamara

Panukalang batas para mapalawak ang loan program ng gobyerno, lusot na sa komite sa Kamara

APRUBADO na sa House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang panukalang batas na magpapalawak sa loan program ng gobyerno.

Layon ng House Bill No. 1 ni House Speaker Martin Romualdez na palawigin ang kapasidad ng Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) na makapaghatid ng loan program sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at iba pang ‘strategically important companies’ na kailangan ng tulong.

Sa ilalim ng panukala na tatawaging Guide Bill, bibigyan ng P7.5 billion ang Land Bank at P2.5 billon ang DBP para magawa ang kanilang mandato na maghatid ng loan program.

Sa ilalim din nito, tataas sa P100 billion mula sa dating P35 billion ang capital stock ng DBP.

Ituturing naman na micro ang isang negosyo kung ang value nito ay hindi lalampas sa P3 million, small sa P3 million to P15 million value at medium sa P15 million to P100 million ang value.

Follow SMNI NEWS in Twitter