APRUBADO na sa Kamara ang panukalang hindi na magiging mandatoryo na palitan ng mga babae ang kanilang mga apelyido kung ikakasal na ito.
277 na mga mambabatas ang bumoto bilang pabor sa House Bill No. 4605.
Wala namang tumutol o hindi nagbigay ng boto.
Sakali mang tuluyang maging batas ay inaamyendahan nito ang Article 370 ng Republic Act No. 386 na mas kilala bilang new Civil Code of the Philippines.
Sa kasalukuyang batas ay kailangang gamitin ng mga babae ang mga apelyido ng kanilang asawang lalaki kung maikakasal na ito.