Panukalang gawing culinary capital ang Pampanga ‘di nilagdaan ng Palasyo

Panukalang gawing culinary capital ang Pampanga ‘di nilagdaan ng Palasyo

HINDI nilagdaan bilang batas ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang panukalang gawing culinary capital ng Pilipinas ang Pampanga.

Batay ito sa sulat na ipinadala ng Office of the President kay Senate President Chiz Escudero na may petsang Marso 12, 2025.

Hindi na idinetalye ng Malacañang kung ano ang partikular na rason kaugnay sa naturang desisyon.

Ang may-akda ng panukala ay sina Sen. Imee Marcos at Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble