INAPRUBAHAN na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang Resolution of Both Houses No. 6 para magpatawag ng Constitutional Convention (Con-con) para amyendahan o luwagan ang economic restrictions ng 1987 Constitution.
Oras na maaprubahan ng Senado at Kamara ang panukala ay isasabay ang pagpili ng Con-con delegates sa Barangay and SK Elections ngayong October 30, 2023.
Ang delegasyon ay bubuuin ng appointed at elected delegates mula sa lahat ng legislative districts o Hybrid Con-con.
301 na mga kongresista ang bumoto pabor dito, 6 ang tutol habang 1 ang nag-abstain.
Ang mga bumoto pabor sa RBH No.6 ay magiging co-authors ng panukala.
Nauna nang nanindigan ang liderato ng Kamara na panahon na para luwagan ang economic restrictions ng Konstitusyon para makapagpapasok pa ng mas maraming foreign investors sa Pilipinas para sa inaasam na economic growth.