Panukalang ibaba ang edad ng senior citizens, timbangin nang mabuti –Atty. Quijano

Panukalang ibaba ang edad ng senior citizens, timbangin nang mabuti –Atty. Quijano

TIMBANGIN sa ngalan ng ekonomiya ang panukala ni Sen. Bong Revilla na ibaba ang edad ng senior citizens sa 56 years old mula sa 60.

Ayon kay National Commission of Senior Citizens Chairperson Atty. Franklin Quijano sa panayam ng SMNI News, sa social pension pa lang ng mga 60 years old kung saan bibigyan na sila ng tig-iisang libong piso ay aabot na sa P52-B ang pondong kinakailangan.

Si Senior Citizen Party List Rep. Rodolfo Ordanes ay ganito rin ang suhestiyon hinggil sa panukala.

Lalo na aniya at medyo pahirapan ang pagkuha ng pondo para sa 60 years old pataas na ikinokonsiderang senior citizens ng batas.

Kaugnay nito ay iminumungkahi ni Quijano na sanay ikonsidera ang pagkakaroon ng multiple retirement.

Sa multiple retirement, maaaring mag-retiro ang isang indibidwal ng 40 years old ngunit maaari din itong makapagtrabaho muli sakaling ninanais nito halimbawa pagkalipas ng ilang taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter