BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kaniyang pagtutol sa paghihiwalay ng Mindanao mula sa Pilipinas.
Sa kaniyang mensahe sa Constitution Day, nagpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Marcos na ang bagong panawagan na ihiwalay ang Mindanao mula sa iba pang bahagi ng Pilipinas ay tiyak na mabibigo.
Umapela naman ang Pangulo sa lahat ng mga kinauukulang indibidwal na nasa likod nito na tigilan na ang naturang panukala dahil labag aniya ito sa Konstitusyon.
Nabanggit din ng Pangulo na ang mga lider na aniya sa BARMM ang tumatanggi sa panawagang paghihiwalay ng Mindanao.
Inihayag naman ni Pangulong Marcos ang layunin ng administrasyon na ipatupad ang mga prinsipyong nakasaad sa Konstitusyon, magtaguyod ng mga reporma para sa kaunlaran, at isulong ang pagkakaisa ng mga Pilipino.
;