Panukalang isabatas ang NTF-ELCAC, inihain ni Senator Dela Rosa sa 19th Congress

Panukalang isabatas ang NTF-ELCAC, inihain ni Senator Dela Rosa sa 19th Congress

INIHAIN na ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang panukalang batas para ma-institutionalized ang Anti-Task Insurgency Force ng gobyerno, ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa ilalim ng ELCAC Act, layon ni Dela Rosa na maisabatas ang NTF-ELCAC para maging tuloy-tuloy ang programa nito sa kabila ng pagbabago o pagpapalit ng administrasyon sa gobyerno.

Bukod dito, mabibigyan na rin ng pondo ang NTF-ELCAC mula sa taunang national budget ng gobyerno dahil ngayon ay umaasa lang ito sa pondong mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na bumubuo dito.

Matatandaan, December 2018 ay nagpalabas ng executive order si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte para pag-isahin ang mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na may kapangyarihan para tuldukan ang 50 taong panlilinlang, kasinungalingan at karahasan ng komunistang teroristang CPP-NPA-NDF sa mga Pilipino.

Ang ELCAC Act ay isa lamang sa 20 priority bills ni Dela Rosa ngayong 19th Congress.

Follow SMNI NEWS in Twitter