LUSOT na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na layong isali sa higher education curriculum ang World War 2 (WWII) history ng Pilipinas.
257 mambabatas ang bumoto pabor dito para ituro sa mga kabataan ang kabayanihan ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay sa nabanggit na panahon.
Oras na maisabatas, magtutulungan ang CHED, National Historical Commission of the Philippines at Philippine Veterans Affairs Office-Department of National Defense na ipatupad ito.
Magpapatulong naman ang mga nabanggit na ahensya sa mga kilalang resource persons, historians, propesor, iskolar at historical associations at iba pang pangkat sa pagtuturo ng paksa.
Hinihikayat din ang mga higher education institutions na magtabi ng maraming aklat, resource materials at reference na magsasabi kung ano ang mga ganap sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.