Panukalang Luzon Area RDCom Priority Agenda 2023-2025, tinalakay

Panukalang Luzon Area RDCom Priority Agenda 2023-2025, tinalakay

TINALAKAY ang panukalang Luzon Area RDCom Priority Agenda para sa taong 2023-2025 sa isinagawang Second Quarter Meeting ng Luzon Area Regional Development Committee (RDCom).

Pinangunahan ang nasabing pagpupulong nina Luzon RDCom Chairman Isabela Gov. Rodolfo Albano III at Luzon RDCom Co-chair Batangas Gov. Hermilando Mandanas kasama si MMDA acting Chairman Atty. Don Artes.

Ibinahagi rin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang update sa implementasyon ng National Broadband Plan.

Samantala, nagbigay naman ng briefer ang Department of Transportation (DOTr) ukol sa North Long Haul Project, isang inter-regional railway system sa Northern Luzon.

Ang Regional Development Council-National Capital Region, na pinamumunuan ni Chairman Artes, ay miyembro ng Luzon RDCom.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter