Panukalang magbibigay ng emergency powers kay Pang. Duterte, aprubado na

APRUBADO na ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magbibigay ng “special powers” kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa laban ng pamahalaan kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa ilalim ng House Bill 6616 o Bayanihan to Heal As One Act, pinapahintulutan ang pangulo na gamitin ang emergency power tuwing may national emergency.

Nakasaad din sa panukala na sa oras ng pangangailangan ay maaring pangasiwaan ng pangulo ang operasyon ng alinmang privately-owned hospitals at medical at health facilities kabilang na ang mga passenger vessels, at iba pang establishments.

Ito ay para gamitin bilang pansamantalang tirahan ng mga health wokers, magsilbing quarantine areas at centers, medical relief at aid distribution locations o maging pansamantalang medical facilities.

Binibigyan din ng kapangyarihan ang punong ehekutibo para pangasiwaan ang public transportation para gamitin ng mga health, emergency at frontline personnel.

Sakaling maging ganap na batas, padadaliin din ang pagbili sa mga kakailanganin na kagamitan kontra COVID-19 tulad ng mga medical supplies and equipments at mga pagkain na ipamamahagi sa mga apektadong komunidad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.