Panukalang magbibigay ng maraming trabaho sa Pilipinas, isinulong ng mga senador

Panukalang magbibigay ng maraming trabaho sa Pilipinas, isinulong ng mga senador

ISINUSULONG ng mga senador ang panukalang magbibigay ng maraming trabaho sa Pilipinas.

Sa pangunguna ng ilang mga senador hinimok nito ang gobyerno na paigtingin ang mga programa na naglalayong magbigay ng local employment, upang mas maraming mga overseas Filipino workers (OFW) ang manatili sa Pilipinas sa halip na mangibang-bansa.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, na ang karumal-dumal na pagpaslang sa Pinay na si Jullebee Ranara sa Kuwait, ay dapat mag-udyok sa administrasyong Marcos, na isulong at hindi lang paigtingin ang ekonomiya ng Pilipinas, para wala nang kababayan na aalis pa ng bansa.

Dagdag ng senador, na ito rin ang pangunahin nilang iniisip sa pagsusulong para amyendahan ang Foreign Investments Act and Retail Trade Liberalization Act para makahikayat ng mas maraming international investors na magtayo at lubusang magmay-ari ng mga domestic enterprises sa bansa, na kalauna’y magbibigay ng mas maraming trabaho.

Samantala, muli ring isingit ni Sen. Joel Villanueva ang pagsusulong sa kanyang Senate Bill No. 129 o ang proposed “Trabaho Para sa Lahat ng Pilipino Act” na magtatatag ng National Employment Action Plan (NEAP) na magtatakda ng direksyon para sa pagbuo ng trabaho.

 

Follow SMNI News on Twitter