INIHAIN sa Senado ang panukalang magbibigay parangal sa limang Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office rescue workers na nasawi habang nagsagawa ng rescue operation ng tumama ang Bagyong Karding sa bansa.
Ang panukala ay inihain ni Sen. Manuel Lito Lapid sa ilalim ng Resolution No. 235 na magbibigay pagkilala sa mga nasawi na sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolone, Jerson Resurrection at Narcisco Calayag.
Kinilala ng senador ang katapangan, kagitingan, humanitarian spirit at selflessness at karapat-dapat silang bigyan ng pinkamataas na galang dahil sa pagsakripisyo ng kanilang buhay.
Ilan din sa mga senador ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa mga naiwang pamilya ng biktima kabilang sina Senators Bong Go, Robin Padilla, Jinggoy Estrada at Joel Villanueva.