Panukalang P15-B taunang badyet para sa 2023 sa Pasig City, aprubado na 

Panukalang P15-B taunang badyet para sa 2023 sa Pasig City, aprubado na 

INAPRUBAHAN na ng 11th Pasig City Council, sa ikatlo at huling pagbasa, ang panukalang P15 bilyon na taunang badyet ng lungsod para sa piskal na taon 2023 matapos ang 4 na linggong pagpupulong at deliberasyon.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang panukalang budget ay magiging responsibo sa mga pangangailangan ng mga sinasakupan na mamamayang Pasigueño.

Ani Sotto ang synergy sa pagitan ng executive at legislative branches sa pagtulong sa “fill each other’s blind spots” para mas mapabuti pa ang mga programa at proyekto ng lungsod.

Samantala pinuri ni Sotto ang pagsisikap ng local finance committee at ng konseho ng lungsod sa pagpasa ng appropriations ordinance.

Follow SMNI NEWS in Twitter