PASADO na sa pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na amyendahin ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakuha nito ang botong ‘yes’ ng 189 na mambabatas, labing-isang ‘no’ at siyam na abstain.
Layunin ng panukala ang legal presumptions sa mga indibidwal na ikinokonsiderang bilang ng importers, financiers, protektor o nagkakanlong ng iligal na droga.
Kasama na rin dito ang mga landlords o nagpapaupa sa mga lugar na ginagamit bilang clandestine o drug laboratories.
Sa ilalim ng naturang panukala, inatasan din nito ang mga lokal na pamahalaan na maglaan ng dalawang porsyento ng kanilang taunang pondo para suportahan ang operasyon ng Anti-Drug Abuse Councils (ADAC) at sa itatatag na Anti-Drug Abuse Offices (ADAO).
Mandato ng ADAC na i-monitor ang mga problemang may kaugnayan sa droga ng mga LGU at pagpapatupad ng mga kinakailangang patakaran para tugunan ito, habang ang ADAO naman ang magsisilbing technical at administrative support ng ADAC.