Panukalang pagpapalawig ng state of calamity sa buong bansa, suportado ng PHAPI

Panukalang pagpapalawig ng state of calamity sa buong bansa, suportado ng PHAPI

SUPORTADO ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene de Grano ang panukalang pagpapalawig ng state of calamity sa buong bansa hanggang 2023.

Ayon kay De Grano dapat palakasin ang pagbabantay ng bansa laban sa COVID-19, lalo na sa gitna ng nalalapit na Kapaskuhan.

Aniya sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga impeksyon, ang mga aktibong kaso ay nasa 17,000 pa rin sa ngayon at patuloy itong tataas lalo na ngayong Kapaskuhan.

Dagdag pa ni De Grano na hindi dapat maging kampante ang bansa sa kabila ng pagbaba ng bilang ng COVID-19 infections sa Pilipinas.

Matatandaang pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Setyembre, ang nasabing nationwide state of calamity hanggang Disyembre 31, 2022.

 

Follow SMNI News on Twitter