Panukalang pagpapataw ng tax sa junk foods, sisimulan na ang deliberasyon ngayong taon –Kamara

Panukalang pagpapataw ng tax sa junk foods, sisimulan na ang deliberasyon ngayong taon –Kamara

SISIMULAN na sa unang bahagi ngayong 2023 ang deliberasyon ng paglalagay ng tax sa junk foods.

Ayon ito kay House Committee on Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda.

Sinabi ni Salceda, titingnan din nila kung ano ang magiging hamon kung sakaling maipatupad ito bago pag-usapan kung magkano o anong uri ang ipapataw na tax.

Nauna nang sinabi ni Salceda na hindi siya masyadong sang-ayon sa pagpapataw ng tax dito at mas ninanais niyang mai-regulate na lang ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter