Panukalang permanenteng ipatupad ang blended learning, iprinisinta ng DepEd kay PBBM

Panukalang permanenteng ipatupad ang blended learning, iprinisinta ng DepEd kay PBBM

ISINUSULONG ng Department of Education (DepEd) na permanenteng ipatupad ang blended learning kasabay ng pag-hire ng mas marami pang guro at pagtatayo ng mga silid-aralan.

Ito ang iprinisinta ng DepEd kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. nang mabigyan ng pagkakataon na makipagpulong sa Pangulo ilang araw bago ang State of the Nation Address (SONA).

Ibinahagi ni DepEd spokesperson Usec. Michael Poa na isa ang blended learning sa mga nakikita nilang solusyon sa kakulangan ng silid aralan at mga guro sa bansa.

“Hindi po kasi mabilis o hindi nagagawa iyan overnight – that’s why these problems are still with us today. That’s why we also presented that we are now going on a two-track approach wherein alongside the traditional solutions of building more classrooms and hiring more teachers, we also want to tap into technology. Kasi noong pandemya, na-realize natin na puwede pala iyong blended learning, puwede pala iyong online classes,” ayon kay Usec. Michael Poa, Spokesperson.

Subalit, iginiit ni Poa na bago permanenteng ipatupad ang blended learning, kailangan masigurado muna kung gaano ito kaepektibo sa pag-aaral ng mga estudyante.

“Ayaw naman nating basta-basta mag-blended learning tayo and then quality of education suffers. That’s why before we roll that out, we really want to ensure looking at best practices even in the private sector, kung papaano nai-implement iyong blended learning para po masigurado natin that once we implement it, we will not affect the quality of education,” dagdag ni Poa.

DepEd at CHED, nagtutulungan para mapabuti ang kalidad ng pagtuturo sa Pilipinas

Samantala, para mapabuti ang kalidad ng pagtuturo sa bansa, nakikipagtulungan ang DepEd sa Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng Teachers Education Council (TEC).

“We are part of the TEC – iyong Teachers Education Council ‘no – so iyon ‘yung isang pamaraan para po ma-improve din natin iyong teaching quality sa Pilipinas. If you remember, during the basic education report of the Vice President, she raised the concern on teaching quality but she reminded all of us na hindi po kasalanan ng mga teachers iyan ‘no – it’s really our system,” ayon pa kay Poa.

Follow SMNI NEWS on Twitter