Panukalang pondo ng DOTr at DPWH sa 2022, tinapyasan ng Senate Committee

Panukalang pondo ng DOTr at DPWH sa 2022, tinapyasan ng Senate Committee

TINAPYASAN ng Senate Committee on Finance ang proposed budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) maging ang panukalang pondo ng Department of Transportation (DOTR) para sa taong 2022, maliban sa NTF-ELCAC.

Sa Senate committee report, P33-B ang itinapyas sa DPWH mula sa P698-B na ipinasa ng House of Representatives.

Sa DOTR, nagtapyas naman ng P2-B ng finance committee mula sa P94.709-B na aprubado ng kamara.

Maliban dito ay may pagtapyas din sa pondo ng NTF-ELCAC base sa senate version.

Mula sa P28-B proposed budget ng task force ay ibinaba ito sa P4-B na lamang.

Samantala, may mga ahensya naman ang nakatanggap ng dagdag na pondo base sa version ng senado.

Ilan sa mga ito ay ang Department of Science and Technology’s proposed 2022 budget na nakakuha ng P50-M additonal fund.

Ganun din ang Department of Health na nakatanggap ng P44-B na additional fund mula sa senate panel.

SMNI NEWS