Panukalang taasan ang edad ng statutory rape, aprubado na

TINAASAN na ang sexual consent mula 12 hanggang 16 na taong gulang.

Ito ang ibinahagi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri matapos inaprubahan ng congressional bicameral conference committee ang naturang panukala.

Ayon kay Zubiri, aprubado na ng Kongreso ang Senate Bill 2332 at House Bill 7836 na layuning amyendahan ang Revised Penal Code para taasan ang edad sa pagdetermina ng statutory rape.

Lubos naman ang pasasalamat ni Zubiri, na syang author ng naturang panukalang batas, sa kanyang mga kasamahang mambabatas sa pagsuporta nito.

Kung ganap itong maipapasa upang maging batas, makokonsidera ng guilty of rape ang sinumang adult individual na may intercourse sa pagitan ng minors kahit pa pumayag ito.

SMNI NEWS