Panukalang ‘Workers Credit Assistance,’ isinusulong ng OFW Partylist

Panukalang ‘Workers Credit Assistance,’ isinusulong ng OFW Partylist

ISINUSULONG ng OFW Partylist ang panukalang Workers Credit Assistance para bigyan ng ayuda ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sa ilalim ng HB 365 na inakda ni Congresswoman Marissa “Del Mar” Magsino ng OFW Partylist, ang mga kwalipikadong OFW ay pinahihintulutang mag-avail ng pautang na hindi hihigit sa P50-K mula sa Department of Migrant Workers (DMW) upang mabayaran ang mga gastusin sa pamumuhay ng kanilang mga pamilya sa unang 3 buwan na wala pa silang suweldo.

Ayon kay Cong. Del Mar, kasama na rin ang mga utang na iniwan nito sa kanilang pamilya kabilang na ang mga placement fees, documentation costs, and plane tickets.

Kikilalanin ang batas na ito para sa mga OFW ng Overseas Filipino Workers Credit Assistance Act of 2022.

Ayon kay Magsino, ang mga OFW lamang na may overseas contract workers na may valid employment contract mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa nasabing loan na P50-K ang maaring maka-avail.

Sa ilalim din ng panukalang batas, kailangan din magkaroon ng sariling bank account ang mga naturang OFW na mag-a-avail ng loan.

Dapat ding bayaran ang nasabing loan sa loob ng 12 buwan o higit pa pero hindi rin lalagpas sa 24 na buwan o 2 taon.

Inaasahan ng OFW Partylist na kung maisasabatas ang panukalang ito ay makakatulong ito sa mga OFW at sa kanilang  mga pamilyang  iniwan.

BASAHIN: Abot-kayang pabahay para sa OFWs, titiyakin ng OFW Partylist

Follow SMNI NEWS in Twitter