SA isang kasunduan na pinirmahan sa pagitan ng Public Attorney’s Office (PAO) at Philippine National Police – Internal Affairs Service (IAS), magkakaroon ng libreng serbisyong ligal para sa mga tauhan nito.
Alinsunod sa kasunduan, bibigyan ng karampatang legal services ang mga pulis na nahaharap sa mga kasong sibil, kriminal, administratibo at quasi-judicial na may kaugnayan sa pagtupad nila sa tungkulin
Ayon kay IAS Inspector General, Atty. Brigido Dulay, malaki ang magagawa ng ugnayan ng PAO at PNP para sa proteksiyon ng mga pulis na tumutupad lamang sa kanilang mandato.
Sa kabilang banda, nangako ang PNP na gagawin din nila ang lahat ng hakbang na naaayon sa proseso ng paglilitis sa mga tauhan nilang humaharap sa reklamo.
Follow SMNI News on Rumble