KUKUHA ng halos 200 na bagong public attorneys ang Public Attorney’s Office (PAO).
Ayon sa Department of Justice (DOJ), ang hiring ng bagong public attorneys ay makatutulong na mapalakas ang serbisyo ng PAO sa mga underprivileged na mga Pilipino na nangangailangan ng legal representation at iba pa.
Sa ibinahagi rin ng ahensya, nasa 122 ang ilalagay bilang pa 1 at 56 ang ilalagay bilang pa 2 sa iba’t ibang PAO offices sa bansa.
Nangangailangan na rin ng 336 million pesos na annual budget ang PAO dahil dito.