KUKUHA ng karagdagang 60 abogado ang Public Attorney’s Office (PAO) kung maililipat na ang main offices nito sa kanilang panibagong building sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Ilalagay ang mga magiging karagdagang abogado sa Special and Appealed Cases Service (SACS) ng PAO ayon kay PAO chief Persida Acosta.
Sa kasalukuyan ay mahigit 16.2-K (16,232) ang aktibong kaso na hinahawakan ng nasa 84 na abogado at 37 support staff ng SACS.
Ang mga ito ayon kay SACS Officer-in-Charge Public Attorney IV Ronald Macorol ay nakapending sa Office of the President, Court of Appeals, at Supreme Court.
Saklaw ng trabaho ng SACS ang legal documentation, jail visitations, habeas corpus cases at annulment ng mga judgment o paghatol.