UMABOT sa halos 300 persons deprived of liberty (PDLs) ang humingi ng legal consultation sa Public Attorney’s Office (PAO).
Ito ay para sa kanilang kalayaan.
Paliwanag ng Bureau of Corrections (BuCor), layon ng legal consultation ng PAO sa mga PDL na ma-decongest ang mga pasilidad ng BuCor at makalaya na ang mga preso na nakapagsilbi na sa kanilang maximum sentence sa pambansang piitan.
Bukod sa free legal consultation, nagsagawa din ang PAO ng free medical services na ipinagpasalamat naman ng BuCor ang inisyatibong ito ng PAO para sa kanilang commitment na maitaguyod ang hustisya at mapabuti ang kapakanan ng mga nakakulong.