DUMATING nitong Lunes sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang abogado mula sa Public Attorney Office (PAO) na tututok para sa mga amang hindi nagbibigay ng sustento sa anak.
Pinangunahan ni DSWD Sec. Erwin Tulfo ang pagtanggap sa naturang mga abogado.
Kinilala sina Atty. Dioscoro Basanez at Atty. Jose Noel Hilario na siyang magsasampa ng kaso sa pabayang tatay.
Magiging katuwang din ng DSWD ang dalawang abogado para makuha ang mga anak na 7 taong gulang pababa mula sa mga tatay na ayaw ibigay ang kustodiya ng bata sa ina.
Matatandaan, nagkaroon ng memorandum of agreement ang DSWD at PAO kamakailan kaugnay rito.