PAO, nais buwagin ang fraternities

PAO, nais buwagin ang fraternities

DAPAT mahinto na ang fraternities lalong-lalo na ang mga nagsasagawa ng nakamamatay na initiation rites.

Panghihikayat ito ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta sa Securities and Exchange Commission.

Ito’y dahil maliban kay John Matthew Salilig ng Adamson University na nasawi kamakailan, may isang mag-aaral din sa Cebu ang nasawi dahil sa hazing noong December 2022.

Sinabi ni Acosta na maganda ang isang samahan kung ‘friendly’ at maayos na itinataguyod ang konsepto ng ‘brotherhood’.

Kung patayan naman ang umiiral aniya, mainam na ihinto na lang ang batas na nagpapahintulot nito.

Sa kabilang banda, tutol si Deputy Minority Leader Rep. Bernadette Herrera-Dy at si dating Ako Bicol Party-List Rep. Alfredo Garbin na ipagbawal na ang pagkakaroon ng fraternities.

Anila, may kalayaan ang lahat na magpasakop sa anumang samahan sa ilalim ng Konstitusyon.

Maging si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa, hindi rin sang-ayon na ipagbawal ang fraternities.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter