Paolo Contis ng ‘Eat Bulaga’, humiling na bigyan ng tsansa ang bagong hosts ng noontime show

Paolo Contis ng ‘Eat Bulaga’, humiling na bigyan ng tsansa ang bagong hosts ng noontime show

HINILING sa publiko ng aktor na si Paolo Contis na bigyan ng tsansa na makapagbigay-serbisyo ang bagong set ng hosts ng ‘Eat Bulaga’.

Kasunod ito sa pag-ere ng isang episode ng noontime show nitong Hunyo 5, 2023 kung saan imbis na ang nakagawiang sina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon ang makita, sina Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Alexa Miro, at ang kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi ang humarap.

Ayon kay Paolo, pinatawag lang sila ng opisina para ipagpatuloy ang show at responsibilidad nilang ibigay ang inaasahan sa kanila.

Inamin na nito na wala silang kakayahan na punan ang puwang ng mga batikang TV hosts.

Ang nais lang anilang lahat na pumalit doon ay makatulong at makapagpasaya sa publiko kaya tinanggap nila ang trabaho.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter