PORMAL nang nanumpa si Rep. Paolo “Pulong” Duterte bilang kinatawan ng unang distrito ng Lungsod ng Davao.
Kasama niyang nanumpa ang iba pang miyembro ng pamilyang Duterte na sina Rep. Vincent Omar Duterte (Ikalawang Distrito), Konsehal Rigo Duterte II, at Rep. Harold Duterte (PPP Party-list).
Ginanap ang seremonya ngayong araw, Mayo 23, sa The Royal Mandaya Hotel, na dinaluhan ng kanilang pamilya, mga kaibigan, at taga-suporta.
Pinangunahan ang panunumpa ni Associate Justice Jill Rose Jaugan-Lo ng Court of Appeals.