Papel ng military medicine sa ASEAN, pinuri ng AFP chief

Papel ng military medicine sa ASEAN, pinuri ng AFP chief

PINURI ni AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro ang papel ng military medicine sa national security ng mga bansang nahaharap sa sakuna, kalamidad, at pandemya.

Ito ay kasabay ng ika-apat na ASEAN Military Medicine Conference (AMMC) na dinadaluhan ng 14 na mga bansa.

Pinangunahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang aktibidad na tatagal hanggang ngayong araw.

Ang AMMC ay bahagi ng Military Medicine Area of ​​Cooperation sa ilalim ng ASEAN Defense Minister’s Meeting-Plus platform.

Sa taong ito ay pinagtibay ng AMMC ang temang, “Challenges, Breakthroughs, and Regional Cooperation,” at umaasang mapapalakas nila ang kapabilidad ng military medical services.

Tampok sa dalawang araw na aktibidad ang plenary talks at academic discussions sa military medicine system, readiness, trends, at innovations na naglalayong magbahagi ng kaalaman, best practices at kasanayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter