NAKATAKDANG bawasan ng Department of Education (DepEd) ang paperwork ng mga guro upang mabigyan sila ng mas maraming oras sa pagtuturo ng mga estudyante.
Ito’y upang mapagaan na rin ang kanilang administrative workload, ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara.
Sa magiging panibagong patakaran ng DepEd, tatanggalin na ang 57 percent ng 174 na school forms na dating kinakailangan sa mga guro.
Upang matiyak na maayos ang pagpapatupad nito, maglalabas ang ahensya ng department order at magsasagawa rin sila ng pambansang orientation para sa mga paaralan.