NIYANIG ang Papua New Guinea ng magnitude 6.5 na lindol nitong alas siyete ng umaga, Lunes, Abril 15, 2024.
Ang sentro ng lindol ay sa South Pacific Island, bahaging Southeast mula sa Kimbe, West New Britain Province.
May lalim ito na 68 kilometers ayon sa US geological survey.
Sa kabila nito ay sinabi ng mga awtoridad na walang tsunami alert at wala ring naiulat na mga pinsala.