POSITIBONG tinanggap ng Philippine National Police (PNP) ang ginagawang parallel investigation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ni Jovelyn Galleno.
Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Brigadier General Roderick Alba, iisa lamang ang kanilang layunin na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng dalaga.
Sinabi ni Alba na iginagalang nila ang desisyon ng pamilya ni Jovelyn na humingi ng tulong sa NBI.
Pero determinado aniya sila na lutasin ang kaso ng dalaga.
Matatandaang nag-match ang DNA ng ina ni Jovelyn sa kalansay na natagpuan sa Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa City, Palawan.