MULING hinihikayat ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang kaniyang mga residente na panatilihin ang pagpatutupad ng minimum public health protocols.
Maging ang pagpatuturok ng COVID vaccines upang maiwasan ang paglaganap ng virus sa lungsod.
Kasunod na rin ito sa anunsiyo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na nasa Alert Level 1 ang Metro Manila mula April 15 -30.
Ayon kay Olivarez, tumungo lang sa kanilang City Health Office para magpabakuna.