Parañaque LGU, planong magtayo ng Women and Children’s Hospital

Parañaque LGU, planong magtayo ng Women and Children’s Hospital

PLANO ng pamahalaang lungsod ng Parañaque na magtayo ng isang ‘Women and Children’s Hospital’ para higit pang mapabuti ang accessible na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga residente.

Ayon kay Parañaque City Mayor Eric Olivarez na bilang isang registered nurse bukod sa pagiging propesor, bahagi ng prayoridad ng kaniyang administrasyon ang kalusugan at edukasyon.

Aniya, ang 7 palapag na pasilidad ang magiging pangalawang ospital sa bansa na eksklusibong tutulong sa kababaihan at mga bata.

Dagdag pa ni Olivarez na naglaan na ng kabuuang P149-M para sa pagpapatayo ng ospital.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter