MALAKI ang inilaang budget ng Parañaque City para sa kanilang lungsod sa 2023.
Ayon kay Parañaque City Mayor Eric Olivarez, 11.3 billion pesos ang nakalaang pondo para sa lungsod sa susunod na taon o mas mataas kumpara sa 11.1 billion pesos na budget ngayong 2022.
Patuloy na tutukan ng lungsod ang mga proyekto nila kaugnay sa edukasyon, kalusugan, ayuda sa mga maralita at maging sa infrastructure development at iba pang basic services.
Target din ng Parañaque na mas maging business-friendly pa ang kanilang lungsod sa susunod na taon.