NAMAHAGI na muli ng cash incentives ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez para sa mga mag-aaral na nag-graduate with honors sa kanilang lungsod.
P10-k ang nakakuha ng highest honors; P7-K ang high honors; at P5-K para sa with honors.
Ipinaalala na rin ni Olivarez sa mga mag-aaral na ituluy-tuloy ang kanilang pagpupursigi para sa tuluy-tuloy rin na tagumpay sa buhay.
Tiniyak naman nito na nakahanda ang lungsod para suportahan sila.